Posted in BLOG BOOK Starters, Love and life, On a serious note

Lice, Lies and Alibis

NAKAKAPAGPABAGABAG.

Oh yeah, that’s a tough tongue twister right there. Oh right, I suck at introductions. Haha.

A week ago, I had an extreme itchy feeling in my head. Napakakati talaga. I’m starting to feel that something is going on in my head. That something is crawling, at nakaka-unggoy man pakinggan, kamot ako ng kamot. Eiwwness!

Then I felt something na sumiksik sa aking kuko. I saw this cute little black thing waving its legs, making a way out of my grip. The culprit. Sa sobrang cute, hindi ko napigilang hindi tirisin. Nakaganti na rin ako sa wakas.

Pero akala ko lang iyon. Si Kutz (yeah, may pangalan na siya.) pa lang ang natigok. Alam kong marami pa siyang kapamilya somewhere in my head, kumukuta. Mga kutong kumukuta. Nice.

So the rest of the weekdays, kamot spree pa rin ako. Monkey mode on. (Nakababa naman ng moral itong posts na ito.) Refer to the title. Okay. *smirks*

So, comes Saturday. Yey! Tambay-bahay kasi maulan. Nakakatamad nga naman. Glenda’s to blame. Kaya may naisip akong ALIBI.

I asked my brother Evan to look for LICE in my head. Bonding time din ito for us. Ayun, kinukuha niya iyong kadiring kuto sa ulo ko. Okay rin iyong bonding namin noh? At may alibi kami not to do household chores coz were busy. Kami na ang tamad. Nice.

Seriously, anong pinaghuhugutan ko rito? Wala naman talaga. NABAGABAG lang ako kasi ‘di ko namamalayan, bumubuhay na pala ako ng peste sa ulo ko. Parasites.

So saan ko ba ilulugar ang LIES sa post na ito?

Well, I remembered a story about a young girl na inutusan ng kanyang Lola na magpakuha ng kuto sa kanyang buhok. Since, wala naman siyang makitang LICE doon, she made an ALIBI na pupunta siya ng CR.

Pumunta siya sa kusina at kumuha ng kaunting asukal. Inilagay sa ulo ng Lola at doon pinagtitiris ang asukal which has the same sound as that of the lice kapag tiniris mo. Then her Lola fell asleep. White LIES.

LESSON LEARNED?

Well, minsan tinatamad tayong gumawa ng mga bagay na dapat nating gawin kaya gagawa at sasabi tayo ng alibis o kaya’y mga white lies. Minsan nama’y tinatakasan natin ang ating mga obligasyon, ang ating mga suliranin. Mas pipiliin nating manahimik na lamang at hindi na lang magkokomento. Mas mabuti na rin iyon kaysa naman may masabi o magawa kang di maganda. Titiisin natin ang sakit dahil alam nating may tamang panahon para diyan. Hindi naman sa pagiging martir, kasi minsan mas ayos pa iyong ignorahin mo na lamang. Ipagdasal mo na lang iyang mga insektong iyan. That too shall pass.

AT kung sakaling ginawa mo na lahat ngunit ganun pa rin, ikaw pa rin ang nasasaktan. Kung wala ng ginawa ang ibang tao kundi pasakitan ka, aba, ‘di na pwede iyan. Tama ng kamot. Hugutin mo na sa ulo mo iyang kumakating nagkukutang kuto ng inyong relasyon at TIRISIN ng bonggang-bongga. THE END.

Leave a comment