Posted in Love and life, On a serious note

My Random Shiznits

Oh well, since I’ve been so occupied with a lot of self and family issues lately, I’m sharing here with you some things about MAself.

Nawawala ako sa focus, madalas akong mainis, mairita at mabuwisit. Haizt, parang ume-early signs na siguro ako ng pagiging old maid. Parang malapit na akong sumapit sa required age sa kasumpa-sumpang kapisanan ng aming lahi, LAONion. Old maid. Ampanget, old na nga, maid pa. Erase! Erase!

Oh sya, bago mag-ala-MMK ito, back to the topic na.

Ayun nga, nakakainis lang na may bagay o may mga gusto ako, o ako mismo, na ako iyon pero parang di ko nagawa, na parang hindi ako, anubey, ako pa ba ito? Infairness, naiinis na nga ako. Hindi ko kasi maipaliwanag.

Ito na lang. Iyon bang kilala mo naman na ang sarili mo, you are certain that iyon ka, ganoon ka, pero suddenly, may mga sitwasyon na baligtad sa dapat ay iyon ang ginawa mo. Malilito at maitatanong mo na lang “ako pa ba ito?”, “ganito ba ako?”, hayyy. Baliw na ata ako.

Ewan. Halimbawa na lang.

Scenario 1.

May humiram ng bolpen ko. I know I am kind to other people’s needs. So, I lend her my pen. Wala akong extra bolpen neto huh. Ginamit niya. Ginamit niyang pangfill-up ng form, habang nagtetext. Busy ako ng mga oras na ito kaya kailangan kong gamitin iyong bolpen ko. Nahihiya naman akong bawiin, so hinayaan ko na muna. Nang tumagal ay unti-unti nang nagbuild-up ang inis tissues ko sa katawan. Parang uusok na ang ilong ko sa inis. Kaylaki ng pagsisisi kong pinahiram ko siya.

Iyan. Una, bakit ako naiinis e ako tong nagpahiram? Pangalawa, bakit ako nagsisisi? Mabigat sa dibdib. Dati rati, no big deal naman sa ‘kin to, iba na ngayon? Ang bilis kong mainis na hindi naman dapat. #sonotme

Scenario 2.

Bumili ako ng tinapay. Since, diet (este,tipid) mode ako ngayon, konti lang iyong binili ko. Sobrang kaunti lang na talagang mabibilang ko sa loob ng lalagyan. Tapos wait, kulang ng isa. Gusto kong magreklamo dun sa Ale pero huli na. Nakaalis na iyong de-padyak na sinasakyan ko. Hinayang na hinayang ako doon sa “payb-pesos-pan” na kulang. Gusto ko balikan iyon kung hindi lang ako nahiya doon sa drayber.

Ang babaw ‘di ba? Five pesos lang iyon pero mabigat pa rin sa loob ko. Ano yon? Dati kasi, hindi ako papayag na malamangan. Iyong tama, dapat tama lang. Kapag alam kong mali o kulang, hindi ko pinapalampas. ‘Di ba nga “may karapatan ka, ipaglaban mo”. Siguro, ang akin lang kasi nagtitipid na nga ako, nakulangan pa. Hinayang ako kasi hindi ko ginawa ang dapat na gawin. Hindi naman iyon kasalanan ng Ale, talagang namali lang siya ng bilang. At hindi ko ipinaglaban ang karapatan ko. The blame is on me. Kaya ako inis. #sonotme

Scenario 3.

I was surfing my FB wall when I noticed the profile of a friend (friend pa nga ba? may gap na ‘di ba?). I clicked her profile picture (yes guys, HER means SHE.) and guess what, HE liked it and even commented the same comment he had on my previous picture. How sweet. Coincident? Anong meron? Bakit hindi ako updated? At may #lessthanthree times 3 pa iyong reply ng girl. At ito pa, just recently, malalaman ko na lang na nawala iyong phone niya. At kanimo ko pa nalaman? Kay girl. Hangsweet lang.

Bakit ako inis? E, hindi na naman kami. Bakit masakit? Why do i feel like being betrayed? Hindi na ako papaapekto, ‘di ba? PSP. Past is past. (Past means, barely 2 months ago. Shizz!) Bakit kasi nang-iistalk pa. Wika nga kasi, what you don’t know, makes you shunga. At tsaka, truth hurts naman talaga.

O ‘di ba? Sa lablayp din papunta to e. Brokenhearted e, kaya magiging OLD MAID? Ayy, connected sila. Nakuu! E ‘di mas lalo akong nainis. Aaarghhh!

Malamig naman ang panahon, mainit ang ulo ko. Aym so hooot. This is soOo not ME.

So yeah, here’s my post entitled “MY RANDOM INISHIZNITS”. Ktnxbye.

Leave a comment