Posted in Love and life, On a serious note, Stories of Love

Fit for Love

pumunta ako kanina sa patahian ko ng uniform. masyadong maluwang ang pagkakatahi. matagal ko na dapat binalik iyon kasi ang panget talaga tignan. para akong walking hanger. sinuot ko ng dalawang beses na at naisip kong nakakahiya na pag sinuot ko pa ulet ng ganun.

pero di ako nagkaroon ng oras. tinatamad ako.

ngunit kanina, tinalo ko ang katamaran ko. pumunta ako doon dala-dala ang aking uniform. sinisi pa ako ng ale kung bakit ngayon ko lang ibinalik. para namang aayusin nya agad. noong pagpapatahi ko pa nga, ilang beses akong pabalik-balik sa kaniya.

so, naisip ko, ang pagpapatahi, para ding palang pag-ibig. alam mo yon. ilang beses ka mang tanggihan, babalik at babalik ka pa rin doon. kahit inis ka na, di pa ring di mo pwedeng puntahan. dahil yon sa isang bagay na tinatawag na ‘commitment’. effort din dapat at pasensiya.

minsan nga, parang nakakahiya na umeffort pa dahil baka naman one-sided lang pero sumisige ka pa rin. di ka pa rin natututo. kasi para sa iyo, dapat pag nagmahal ka, ibibigay mo lahat.

kasi gaya ng pagpapatahi, ang pag-ibig, kailangan din ng PERFECT FIT.

Leave a comment